CAVITENewsTRANSPORTATION

TOLL COLLECTION SA CAVITEX C5 LINK, MAGSISIMULA NA

Tuluyan nang magtatapos ang libreng pagdaan sa CAVITEX C5 Link Segment 3B matapos ianunsyo ng Toll Regulatory Board na magsisimula na ang paniningil ng toll dito sa Mayo 5.

Binuksan sa publiko noong Marso 30, ang nasabing expressway segment ay nagbigay muna ng libreng biyahe sa mahigit Siyam napong libong (9,000) motorista sa araw araw sa loob ng Abril bilang bahagi ng initial operations nito.

 Ang Segment 3B ay nagsisilbing mahalagang koneksyon ng Manila-Cavite Expressway patungong C5 Road sa Taguig City.

Sa ilalim ng bagong toll scheme, sisingilin ang mga sasakyang bumibiyahe mula Taguig patungong Dr. A. Santos Avenue (Sucat) at pabalik ng mga sumusunod na halaga: Class 1 – ₱59 Class 2 – ₱117 Class 3 – ₱176 Para naman sa mga biyaheng didiretso hanggang Roxas Boulevard o Zapote, mas mataas ang ipapatupad na singil: Class 1 – ₱97 Class 2 – ₱194 Class 3 – ₱291 .

Ayon sa mga awtoridad, inaasahang malaking ginhawa ang maidudulot ng Segment 3B sa daloy ng trapiko, lalo na sa mga biyaheng Parañaque–Taguig.

Mula sa dating umaabot ng isa’t kalahating oras na biyahe, maaari na itong matapos sa humigit-kumulang 15 minuto. Pinapayuhan naman ang mga motorista na tiyaking may sapat na load ang kanilang electronic toll collection devices bago bumiyahe upang maiwasan ang pagkaantala sa pagpasok sa expressway.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *