CALAX GOVERNOR’S DRIVE INTERCHANGE, NAKAABOT NA NG 25% COMPLETION, BUBUKSAN SA Q1 2025
Inanunsyo ng MPCALA Holdings Inc., konsesyonaryo ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX), na nakaabot na ng 25% completion milestone ang Governor’s Drive Interchange. Ang interchange na ito, na nakatakdang magbukas sa Q1 2025, ay inaasahang makatulong upang mapaluwag ang trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Cavite, lalo na sa Aguinaldo Highway sa Silang. Ito din ay inaasahang makatulong sa pagtaas ng economic activities sa mga lungsod at munisipalidad ng probinsya ng Cavite na malapit sa area.
Kapag ito ay natapos, ang segment na ito ang magiging pinakamahabang segment sa CALAX, na may haba na 7.8 km, mula sa Silang (Aguinaldo) Interchange hanggang sa Governor’s Drive. Ang dalawa naman natitirang segment ay under construction pa din. Sa ngayon, ang ginagawa sa Governor’s Drive Interchange ay ang excavation works, konstruksyon ng bridge at drainage, at installation ng fences.
Inamin ni Ginoong Raul Ignacio, President and General Manager of MPCALA Holdings Inc., na may mga nakaharap na pagsubok ang kompanya sa konstruksyon ng nitong segment na ito dahil sa mga dumaang bagyo nitong nakaraang mga buwan. Ngunit giniit niya ang commitment ng kompanya na makamit ang itinakdang petsa para sa segment na ito.
“Despite the challenges faced in construction brought about by the recent typhoons, we are pressing forward to ensure the timely delivery of the Governor’s Drive Interchange. Once operational, this vital infrastructure will ease traffic congestion, provide a faster route for thousands of motorists, and stimulate economic growth across Cavite and CALABARZON.” ika ni Ginoong Ignacio.
Bukod sa Governor’s Drive Interchange, maayos din ang progreso ng konstruksyon ng huling dalawang segment ng CALAX; ang Subsection 2 (Open Canal Interchange) ay nasa 15% completion, habang ang Subsection 1 (Kawit Interchange) ay nasa 25% completion. Ang dalawang segment na ito ay inaasahang matapos sa ikatlong kwatro ng 2025. Ang CALAX ay tuluyang ikokonekta sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) sa pamamagitan ng CAVITEX-CALAX Link. Ngayon, ang overall completion rate ng buong CALAX project ay nasa 64%.
Sa kasalukuyan, bandang 45,000 na motorista ang gumagamit ng CALAX. Kapag naidikit na ang CALAX sa CAVITEX, mahigit 95,000 na motorista na ang matutulungan nito araw-araw; mapapagaan nito ang daloy ng trapiko at mapapabuti ang accessibility sa pagitan ng Cavite, Laguna, at Metro Manila.
Ang CALAX ay isang 45-km 4-lane expressway na may walong interchanges. Ang kasalukuyang bukas na segments ay Laguna Technopark, Laguna Boulevard, Santa Rosa-Tagaytay Road, Silang East, and Silang (Aguinaldo) Interchange, habang ang Governor’s Drive, Open Canal, at Kawit Interchange ay under construction. Kapag nakumpleto na ang CALAX, ito ay babawas sa travel time ng mga motorista mula CAVITEX (Kawit) hanggang SLEX (Mamplasan Interchange in Biñan, Laguna), ang dating 2 oras ay magiging 35 na minuto na lamang; magbubunga ito ng magandang connectivity sa pagitan ng NCR at CALABARZON region. Ang MPCALA Holdings Inc. ay isa sa mga subsidaryo ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC). Bukod sa CALAX, ang MPTC’s domestic portfolio ay kinabibilangan ng MAnila-Cavite Expressway (CAVITEX), North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.