CAVITELOCALNews

TRAFFIC ENFORCER NG BACOOR, PINARANGALAN DAHIL SA KATAPATAN AT PAGIGING HUWARAN

Binigyang parangal ngayong araw ng LGU Bacoor ang traffic enforcer na si Kurt Ortiz, kasabay ng lingguhang flag ceremony, bilang pagkilala sa kanyang tapat at mapagmalasakit na pagkilos sa pagbabalik ng napulot na pitaka na naglalaman ng pera na pambili na napag-alamang pambili ng gamot ng apong may sakit.

Si Kurt Ortiz, isang traffic enforcer ng lungsod, ay nakatanggap ng sertipiko ng pagkilala at 10,000 cash reward mula sa Local Government Unit (LGU). Sa naturang seremonya ay ibinahagi ang pagkilala at pasasalamat kay Ortiz upang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging tapat na lingkodโ€‘bayani.

Magugunitang noong Enero 16, 2026, bandang 5:30 ng umaga sa Barangay Talaba III, Bacoor, natagpuan ni Ortiz ang isang pitaka na pag-aari ng isang senior citizen na kalaunan ay nakilala bilang si Tatay Romeo.

Hindi nag-atubiling ibalik ni Ortiz ang pitaka, na naglalaman ng humigit-kumulang โ‚ฑ7,000 at iba pang mahahalagang ID, sa tunay na may-ari nito.

 Ang perang iyon ay hindi lamang ordinaryong pera para sa matanda โ€” ito ay pambili ng gamot para sa kanyang apong nasa ospital, kayaโ€™t lubos ang pasasalamat ng pamilya.

Nagpahayag din ng taosโ€‘pusong papuri ang mga kasamahan at opisyal ng Bacoor Traffic Management Office sa ginawang halimbawa ni Ortiz ng integridad at serbisyo publiko, na nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa mga kasamahan niya sa serbisyo kundi pati na rin sa buong komunidad.

Ang pagkilos ni Kurt Ortiz ay paalala na ang pagiging tapat at mapagmalasakit ay hindi nawawala โ€” lalo na sa mga simpleng gawain na maaaring magbigay ng malaking kaginhawaan sa kapwa.

Sa panahon ng mga pagsubok sa arawโ€‘araw na buhay, ang kwentong ito ay nagbibigay ng pagโ€‘asa at inspirasyon sa lahat ng Bacooreno at mga Pilipino. Ang kwento ni Kurt Ortiz ay nagpapaalala sa atin na ang kabutihan ay nagsisimula sa maliliit na kilos.

Sa bawat pagkakataon na piliin nating maging tapat, magmalasakit, at tumulong sa kapwa, tayo ay nag-aambag sa mas maayos at mapagmahal na komunidad. Hindi kailangan ng malalaking yaman o posisyon upang gumawa ng tamaโ€”ang bawat mabuting gawa, gaano man kaliit, ay may malaking epekto sa buhay ng iba. (Sid Samaniego)

Nasa larawan sina City Bacoor Mayor Strike Revilla, VM Rowena B. Mendiola and Ms. Leslie Dianne V. Morales, Head ng Bacoor Traffic Management Department kasama si Kurt Ortiz traffic enforcer na binigyan ng parangal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *