CAVITENews

EMILIO AGUINALDO SHRINE, KINILALA BILANG TOP VISITOR DESTINATION SA CAVITE

CAVITE — Kinilala ang NHCP Emilio Aguinaldo Shrine bilang may Highest Same-Day Visitor Arrivals for the 1st Tourism Nodal Point sa ginanap na 8th Cavite Tourism Excellence Awards noong Setyembre 23, 2026 sa New Cavite Government Center.


Iginawad ng Provincial Government of Cavite ang pagkilala bilang patunay sa patuloy na ambag ng kasaysayan at pamanang kultural sa pagpapalago ng turismo sa lalawigan.
Ayon sa pamunuan ng Emilio Aguinaldo Shrine, mahalaga ang naturang pagkilala sa pagpapatuloy ng kanilang tungkulin na maitaguyod ang kasaysayan, kultura at pamanang makasaysayan ng Cavite.
Ang Emilio Aguinaldo Shrine ay matatagpuan sa Kawit, Cavite—ang tahanan at lugar ng kapanganakan ni Emilio Aguinaldo, isa sa mga prominenteng personalidad sa kasaysayan ng Pilipinas. Dito rin ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.


Samantala, ang disenyo ng bagong Cavite Government Center ay hinango rin sa arkitektura ng Emilio Aguinaldo Shrine, bilang pagkilala sa makasaysayang papel nito sa lalawigan at sa bansa.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang NHCP Emilio Aguinaldo Shrine sa Provincial Government of Cavite, partikular sa Provincial Tourism Office, para sa naturang pagkilala at patuloy na pakikipagtulungan sa pagsusulong ng kasaysayan, kultura at heritage tourism sa Cavite.


Patuloy namang nagsisilbing mahalagang destinasyon ang mga makasaysayang pook sa Cavite sa paghubog ng turismo at pagpapanatili ng kolektibong alaala ng lalawigan. (sid samaniego)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *