LOCALNews

Nasaksihan ng 100 na bata ang pag uusap ng dalawang puppet, sa Kwentuhan sa Imus Plaza.

TINGNAN: Kaaliw-aliw ang naging pagsasalaysay ng kuwentong “Ang Kayamanan ni Tikboy” kasama ang dalawang puppet ni John Ebenezer Valenzuela nitong Miyerkules, Enero 15, 2025, sa Kuwentuhan na sa Plaza . . . Mga Bata, Tara na!

Bahagi rin dito si Kristianna Marie Valenzuela na katuwang sa pagkukuwento ng mga puppet.

Samantala, nakatanggap din ng meryenda at loot bags ang mga bata handog ng Imus Pilot Elementary School Batch ’84.

Idinaraos kada buwan ang “Kuwentuhan na sa Plaza . . . Mga Bata, Tara na!” ng City of Imus Public Library upang malinang ang interes sa pagbabasa at matutunan ng mga batang Imuseñong nasa 5 hanggang 12 taong gulang ang mahahalagang aral sa buhay.#AAngatAngImus #KuwentuhanNaSaPlazaMgaBataTaraNa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *