CAVITELOCALNews

SiningSinta: Likha ng Pusong Imuseno “Exhibit sa New Imus City Government Center”

Makikita sa larawan sina City Imus Mayor Alex A Advincula at Vice Mayor Homer Saquilayan na natutuwang tinitingnan ang mga kaibig-ibig, makahulugan, at malikhaing sining ng 10 Imuseño finalists sa “SiningSinta: Likha ng Pusong Imuseño” ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa lobby ng New Imus City Government Center.

Sa ginanap na paggawad, kinilala ang sining ni Edwin Lardillo na “Proud Imuseño” bilang first place winner. Sinundan ito nina Miguelito Maaba at Nicho Laspoña sa kanilang mga likhang “Tatak Imuseño” at “Imus History.”

Kabilang din sa mga finalist ang sining na “Panata” ni Rae Niño Pelagia, “Nana Pilar” ni Rodolfo Vera Cruz Jr., “Nasa mabuting kamay ang aking kinabukasan” ni Mark Anthony Paez, “Likhang Imuseño” ni Cesar Cajigas, “Bridge of Isabel II” ni Christopher Niar, “Kasaysayan ng Katedral ng Imus” ni Joerene Castillo, at “Kabigha-bighaning Imus” ni Mary Eunice Ramos.

Personal na tunghayan ang mga naggagandahang likha sa lobby ng New Imus City Government Center, Brgy. Malagasang 1-G. Magtatagal ito hanggang Biyernes, Marso 7, 2025, 5:00 p.m.

Ang “SiningSinta: Likha ng Pusong Imuseño” ay bahagi ng mga pagdiriwang ng sining at pag-ibig sa Imus bilang bahagi ng National Arts Month.

#AAngatAngImus #SiningSinta #AAniNgPagmamahal #NationalArtsMonth

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *