IMUS LIBRENG MASS RABIES VACCINATION:
Binisita ng Office of the City Veterinarian ang iba’t-ibang barangay sa lungsod upang magsagawa ng libreng mass rabies vaccination sa mga aso at pusa.
Patuloy ang pagbisita ng tanggapan sa iba pang mga barangay sa lungsod upang maiwasan ang pagkalat ng rabis sa mga aso at pusa, gayundin sa mga komunidad.
Bukas din ang Office of the City Veterianarian na matatagpuan sa City of Imus Impounding and Health Care Center, Eco Village, Brgy. Malagasang I-G mula Lunes hanggang Biyernes, 08:00 A.M. hanggang 05:00 P.M. para sa fur parents na nais mabigyan ng libreng rabies vaccination ang kanilang mga alaga.
Abangan ang susunod na anunsyo ng schedule ng Mass Rabies Vaccination sa official Facebook page ng Pamahalaang Lungsod ng Imus!
#AAngatAngImus Office of the City Veterinarian