Executive Briefing para sa Bagong Halal na Opisyal ng Lungsod, Isinagawa sa Pamumuno ni Mayor Dahlia Loyola
Carmona City — Sa layuning mapabuti at mapalawak pa ang serbisyo para sa mamamayan, matagumpay na isinagawa ang Executive Briefing para sa mga bagong halal na opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona.
Sa inisyatibo ni City Mayor Dahlia A. Loyola, katuwang si City Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod, mga Department Heads, at Next-in-Ranks ng lungsod, tinalakay sa briefing ang kasalukuyang kalagayan ng lungsod pati na rin ang mga bagong suliraning kailangang pagtuunan ng pansin sa darating na tatlong taon ng panunungkulan.
Ang gawaing ito ay bahagi ng NEO Plus Program (Newly-Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service) ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Layunin ng programa na gabayan ang mga bagong halal na opisyal sa pamamagitan ng tatlong taong capacity development initiative upang mas mapaigting ang kanilang pamumuno at paglilingkod.
Ipinakilala rin sa briefing ang adbokasiya ng lungsod na kilala sa tawag na Carmona TOPS, na siyang nagsisilbing pundasyon ng pamamahala. Saklaw nito ang sumusunod:
Technologically Innovative and Data-Driven Governance
Optimized Socio-Economic Development Programs and Services Driven by Proactive Citizenry
People-Oriented Urban Design
Safeguarding a Clean Environment Harmoniously Coexisting with a Peaceful, Orderly, and Resilient Community
Sa pamumuno ni Mayor Dahlia Loyola, higit na binibigyang halaga ang makabagong pamamahala na nakaangkla sa transparency, inobasyon, at aktibong partisipasyon ng mamamayan.
Para sa mga taga-Carmona, ang briefing na ito ay simbolo ng panibagong yugto ng tapat at makataong pamumuno—isang pamahalaang tunay na naglilingkod at handang tugunan ang mga hamon ng kasalukuyan at kinabukasan.
(Photo Credit : City Mayor Dahlia Loyola FB Page)