NATIONALNews

MPT South, nagpaabot ng tulong sa mga nasalantang komunidad na sakop ng CAVITEX at CALAX

 
Hulyo 25, 2025 – Kasunod ng masamang panahon at pinalakas na hanging habagat na nanalasa sa ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite, at Laguna, ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang unit ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ay naglunsad ng agarang relief operations para tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong komunidad sa paligid ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) at Cavite-Laguna Expressway (CALAX). 

Ang MPT South ay mabilis na nakipag-ugnayan sa mga local government units ng expressways’ alignment communities upang ipamahagi ang kabuuang 3,000 relief packs sa mga pamilyang pansamantalang inilikas dahil sa malawakang pagbaha. Inihayag din ng kumpanya ang plano nitong mamahagi ng tulong sa mga drivers at operators ng public utility vehicle (PUV) na bumibiyahe sa pamamagitan ng CAVITEX at CALAX na ang kabuhayan at mobility ay naantala dahil sa ilang araw ng walang tigil na pag-ulan. 

“We’re more than just a tollway operator. We are part of these communities—committed partners and neighbors who show up, especially in times of crisis,” saad ni Elnora D. Rumawak, Officer-in-Charge ng MPT South. “We understand the hardships that our communities are facing, and we are here to help ease their burden.” 

Ang relief initiative na ito ay bahagi ng mas malawak na dedikasyon ng MPT South pagdating sa corporate social responsibility at disaster response, na nagpapatibay sa tungkulin nito hindi lamang sa imprastraktura kundi pati na rin sa pangangalaga sa komunidad. 

Tungkol sa MPT South  
 
Ang MPT South ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang infrastructure arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC). Bukod sa CALAX at CAVITEX network ng mga toll road, kasama rin sa domestic portfolio ng MPTC ang mga concessions ng North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *