CAVITELOCALNews

NGITING KUMPLETO, NGITING PANALO: Libreng Pustiso Program Handog ni Cong. AJ Advincula

Imus, Cavite – Sa ilalim ng pamumuno ni Congressman AJ Advincula, patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay ng konkretong benepisyo sa bawat Imuseño. Isa sa mga ito ang Libreng Pustiso Program, na hindi lamang nag-aalok ng libreng pustiso kundi nagbabalik din ng kumpiyansa, tiwala sa sarili, at dahilan para muling ngumiti ang ating mga kababayan.

Ang bawat ngiti na hatid ng programang ito ay kwento ng panibagong pag-asa—isang hakbang tungo sa mas matingkad at magandang kinabukasan. Sa pamamagitan ng libreng pustiso, muling naibabalik ang sigla ng mga Imuseño, lalo na ang mga senior citizens at kababayan na matagal nang nangangarap ng kumpletong ngiti.

“Hindi lang ito tungkol sa ngipin. Ito ay tungkol sa pagbabalik ng dignidad at kumpiyansa ng ating mga kababayan,” pahayag ni Cong. AJ Advincula, na kilala sa kanyang #CONGkretongAJenda at #AlagangAdvincula na patuloy na nag-aangat sa Imus.

Sa bawat pustiso na naipapamahagi, nakikita ang tunay na diwa ng #AngatAngImus—isang komunidad na masigla, masaya, at may ngiting kumpleto, ngiting panalo.  (CTJ Team)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *