EVENTNews

CHAMPIONING SUSTAINABILITY: MPCALA HOLDINGS INC. IPINAGDIWANG ANG DOUBLE GREEN AWARD WIN

Santa Rosa City, Laguna—Ang MPCALA Holdings Inc., concessionaire ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) at subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation, ay ginawaran ng dalawang Green Awards sa ikatlong sunod na taon ng pagkilala, sa lubos na iginagalang na programang inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa noong Agusto 15, 2025.

Ang Santa Rosa City Green Awards ay isang platform na kumikilala sa mga natatanging pagsisikap at inisyatibo sa pagtataguyod ng sustainability practices at pangangalaga sa kapaligiran. Sa Green Awards ngayong taon, nakatanggap ang MPCALA ng dalawang mahalagang pagkilala, isa na rito ang Plaque of Appreciation bilang Sustainable Development Partner; ang parangal na ito ay ibinibigay sa mga organisasyon at indibidwal na aktibong nag-ambag sa mga pagsisikap na mapangalagaan ang kapaligiran ng Santa Rosa City at nagpakita ng makabuluhang pakikilahok sa mga green programs nito. Nakamit ng MPCALA ang pagkilalang ito para sa namumukod-tanging panata nito na itaguyod ang kultura ng konserbasyon at kamalayan sa kapaligiran sa mga lugar na pinaglilingkuran nito sa pamamagitan ng mga programa tulad ng mga clean-up drives, iba’t ibang tree-planting activities, at aktibong pakikilahok nito sa taunang International Coastal Cleanup.  

Ang ikalawang parangal na iginawad sa MPCALA ay ang Earth Hour Advocate Award, na kinikilala ang suporta nito sa pandaigdigang Earth Hour movement, na naghihikayat sa mga komunidad at industriya sa kahabaan ng expressway corridor na lumahok sa pag-switch off ng mga hindi mahahalagang ilaw, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtitipid ng enerhiya na makakabawas sa mga epekto ng pagbabago ng klima.  

Karagdagan pa sa mga ito, patuloy na isinusulong ng MPCALA ang sustainable at eco-friendly na mga pamamaraan sa pagpapaunlad ng imprastraktura, na naaayon sa bisyon nito na maging isang green expressway. Ang disenyo nito ay pinagsamang renewable energy na teknolohiya at nature-inspired na mga feature na hindi lamang nakakabawas sa carbon footprint ngunit nagbibigay din ng mas kaaya-ayang karanasan sa pagmamaneho.  

“Ang mga pagkilalang ito ay higit pa sa mga parangal; ito ay mga responsibilidad na tinatanggap namin nang buong puso. Ang mga parangal na ito ay nagpapatibay sa direksyon na aming tinatahak sa pagtiyak na ang ating expressway ay itinayo na naaayon sa kapaligiran at sa mga komunidad. Pinasisigla nito ang aming motibasyon na palawakin pa ang aming mga pagsusumikap sa sustainability practices, upang makagawa pa ng mas maraming programang nagmamalasakit sa kapaligiran,” saad ni Arlette V. Capistrano, Vice President for Communication and Stakeholder Management ng MPCALA Holdings Inc. 

“We recognize everyone’s vital contributions through the Gearing towards Robust, Engaging, and Eco-friendly Nature or “GREEN” Awards, spearheaded by our CENRO. These awards are not just accolades; they are a celebration of your commitment to sustainable development. As we mark the 21st year of Santa Rosa as a city, and the 14th anniversary of the enactment of our environment code, we also embrace this year’s green awards theme: Ending plastic pollution: #beatplasticpollution. Plastic pollution remains one of the most pressing environmental challenges of our time. It threatens not only our ecosystem, but also our health and future generations. As a city that values innovation and responsibility, we must lead by example, in reducing plastic waste through policy, practice, and personal action. Environmental protection is not a responsibility of a few. It is a shared duty. Every act of conservation, every step away from single-use plastics is a step towards a greener and healthier future.” pahayag naman ni Hon. Arlene B. Arcillas, Punong Lungsod ng Lungsod ng Santa Rosa, Laguna. 

Ang mga parangal na natanggap ng MPCALA Holdings Inc. ay sumasalamin sa patuloy nitong pagsisikap na itaguyod ng sustainable practices hindi lamang sa loob ng expressway kundi maging sa mga komunidad na pinaglilingkuran nito.    
Tungkol sa MPCALA Holdings Inc.   
Ang MPCALA Holdings Inc. ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang pinakamalaking developer at operator ng toll road sa bansa. Bukod sa CAVITE-LAGUNA Expressway (CALAX), kasama sa domestic portfolio ng MPTC ang mga konsesyon para sa Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX), North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX).  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *