97 Batang Imuseño, napakinggan ang tagisan ng mga tunog sa Barrio Musiko sa Kwentuhan sa Plaza.
Iba’t ibang tunog ng instrumento ang umugong sa Imus City Plaza sa pagsasalaysay ng kuwentong “Boom Bang Clang” ni Kuya Jhomar Sanchez sa panunulat ni Maloi Malibiran-Salumbides nitong Biyernes, Pebrero 21, 2025.
Kasama ang Commonwealth Band No. 1, napakinggan ng 97 bata ang istorya sa likod ng pag-aaway nina Mang Tinoy Tambol at Mang Popoy Pompiyang.
Espesyal ang naging kuwentuhan sapagkat bahagi ito ng pagdiriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa National Arts Month. Dahil dito, nakatanggap ang mga nakilahok ng taho mula kay Konsehal Enzo Asistio at pagkain mula sa Office of the City Tourism and Heritage Officer na pinamumunuan ni Dr. Jun Paredes.
Ang “Kuwentuhan na sa Plaza . . . Mga Bata, Tara na!” ay idinaraos ng City of Imus Public Library kada buwan na may layuning malinang ang interes sa pagbabasa at matutunan ng mga batang Imuseñong nasa 5 hanggang 12 taong gulang ang mahahalagang aral sa buhay.
#AAngatAngImus #KuwentuhanNaSaPlazaMgaBataTaraNa #AAniNgPagmamahal #LoveARTFair