CAVITELOCALNews

Ordinansang nagbibigay-prayoridad sa pagbibigay-trabaho sa mga Imuseño, ipinasa

Aprubado na ng Sangguniang Panlungsod (SP) ng Imus ang “Imus Residents Employment Prioritization Ordinance” sa pagdaraos ng ika-10 sesyon ngayong Lunes, Marso 10, 2025.

Nakasaad sa ordinansang iniakda ni Konsehal Mark Villanueva na kikilalanin at bibigyang-insentibo ang mga negosyante at negosyo sa Imus na magbibigay-prayoridad sa pagtanggap ng mga Imuseño sa trabaho.

Isinapinal din ng SP ang resolusyong nagpapahintulot kay City Mayor Alex “AA” L. Advincula na irepresenta ang Ospital ng Imus sa pagpasok sa isang Memorandum of Agreement kasama ang Department of Health – Center for Health Development 4-A, kaugnay ng pagbibigay ng medical assistance sa mga indigent at financially-incapacitated patient.

Bahagi rin sa mga inaprubahan ng konseho ang muling pag-uuri ng mga lupaing pagmamay-ari ng Citilyte Prosperity Corporation sa Brgy. Buhay na Tubig bilang General Commercial Zone mula sa pagiging General Residential Zone.

Samantala, pasado na ang 2025 Annual Budget ng 31 barangay at ang inamyendahang Comprehensive Barangay Youth Development Plan 2024–2026, gayundin ang Annual Barangay Youth Investment Program ng limang barangay sa Imus.

#AAngatAngImus

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *