Signing of Memorandum of Agreement between LGU Bacoor and DOST-Cavite
Makikita sa larawan ang ginawang pagpirma ng kasunduan nina Bacoor City Mayor Strike Revilla, Ms. Emelita P. Bagsit-Regional Director , DOST Calabarzon, (kaliwa), Ms. Gilda De Jesus-Provincial S&T Director, DOST-Cavite, Ms. Carmelita F. Gawaran- Bacoor City Livelihood and Development Department at iba pang kinatawan sa pagitan ng Lungsod ng Bacoor at ng DOST-CALABARZON para sa proyektong “Enhancing Product Quality of Tahong Chips and Processing Capability of Bacoor Food Processing Center.”
Sa pamamagitan ng proyektong ito, magkakaroon ng mas malaking pagkakataon ang ating mga lokal na prodyuser na mapabuti ang kalidad ng tahong chips at mapalawak ang kanilang negosyo. Isa po itong mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng industriya ng tahong sa ating lungsod.
Taos-puso naman na pinasalamatan ni City Mayor Strike sina Ms. Carmelita F. Gawaran ng City Livelihood and Development Department, at higit lalo ang DOST-CALABARZON sa kanilang pakikipagtulungan. Sama-sama po nating itaguyod ang kaunlaran ng Lungsod ng Bacoor! As We Strike As One – Dahil sa Bacoor, At Home Ka Dito!