CAVITENews

CARSIGMA INFRASTRUCTURE PROJECT:

Blessing and Inauguration of the Newly Constructed Multi-Purpose Building | Barangay Tubuan 1, Silang, Cavite-    Sa pangunguna ng Ama ng Carsigma Cong. Roy Loyola, katuwang sina Mayor Ted Carranza, Vice Mayor-Elect Cris “Kidlat” Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at ang mga Board Member na sina BM Ivee Reyes at BM Aidel Belamide, matagumpay na pinasinayaan ang bagong Multi-Purpose Building para sa mamamayan ng Barangay Tubuan 1, na buong suporta ni Kapitan Domingo Ambita.

Ayon kay Kap Arthur, ito ay magsisilbing Daycare Center para sa mga preschool-aged children, at Learning Resource Center para matulungan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral at paglinang ng kaalaman.

Ang proyekto ay konkretong patunay ng pagkakaisa at malasakit para sa kinabukasan ng kabataang Silangueño—isang maayos at makabuluhang espasyo para matuto, mangarap, at umunlad.

Lubos naman ang pasasalamat sa lahat ng naging kabalikat sa pagsasakatuparan ng proyektong ito para sa kapakanan ng ating mga kadistrito saad pa ng Ama ng Carsigma.

#AmaNgCarsigma

#CongRoyLoyola2025

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *