Mayor Strike Revilla, Inendorso para sa CALABARZON RDC Chairmanship**
Isang malaking karangalan para sa Bacoor!
Si **Mayor Strike B. Revilla** ay opisyal na inendorso bilang isa sa mga nominado mula sa pampublikong sektor para sa **Chair/Co-Chair ng CALABARZON Regional Development Council (RDC)** sa isinagawang **Third Quarter Full Council Meeting noong Setyembre 4, 2025**.
Kasama sa mga nominado sina **Quezon Governor Angelina Tan** at **Rizal Governor Nina Ricci Ynares**. Ang susunod na RDC Chair ay pipiliin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at magsisilbi mula **2025 hanggang 2028**.
Ang kanilang tungkulin: pangunahan ang mga programa para sa pag-unlad ng ekonomiya, imprastruktura, pamahalaan, at kapayapaan sa buong CALABARZON.
Si Mayor Strike ay kilala sa kanyang masigasig at bukas na pamumuno. Hindi lang para sa Bacoor, kundi para sa buong rehiyon. Ang kanyang pagkaka-endorso ay patunay ng tiwala ng mga kapwa lider sa kanyang kakayahang mamuno at magpatupad ng mga makabuluhang proyekto.
Mula sa pribadong sektor, inendorso rin sina Engr. Ladislao Andal, G. Ronaldo Alvaira, G. Emerson Atanacio, at G. Richard Albert Osmond.
Pinangunahan ni RDC Vice Chairperson at NEDA Region IV-A Director Carmel P. Matabang ang pagpupulong, kung saan inaprubahan ang mga mahahalagang dokumento tulad ng **CALABARZON Regional Development Plan (RDP) 2023–2028 Midterm Update**, ang **Regional Development Investment Program (RDIP)**, at ang **RDC Ground Rules and Regulations**.
Buong suporta ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor kay Mayor Strike Revilla sa kanyang patuloy na paglilingkod—may integridad, may bisyon, at may pusong tunay sa serbisyo.