NewsNATIONAL

NLP sa Ika-139 na Taon: Dakilang Paglilingkod sa Bayan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-139 na anibersaryo ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas na may temang  “139 Years of Preserving National Heritage: Charting NLP’s Sustainable Path to 140 Years,” opisyal na isinagawa ang isang Banal na Misa ng pasasalamat. Sinundan ito agad ng pagpaparangal sa mga natatanging empleyado sa ginanap na 2026 NLP Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Awards.

Ang mga parangal sa ilalim ng NLP PRAISE ay pagkilala sa mahalagang ambag, natatanging husay, at katapatan ng mga kawani sa pampublikong paglilingkod. Ang kanilang dedikasyon ay nagsisilbing tunay na inspirasyon at magandang halimbawa sa kapwa mga lingkod-bayan.

Taos-pusong pagbati sa lahat ng mga ginawaran ng parangal mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas! Nawa’y magpatuloy ang inyong mahusay at tapat na paglilingkod sa mga susunod pang taon. #NationalLibraryPH #NLP139Years

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *