NATIONALNews

BANTA NI ENRILE NA BABAWASAN ANG PREBELEHIYO SA MGA OFW, HINDI IKINATUWA NG PINOY WORKERS

Mariing kinondena ng AKO-OFW Partylist ang ginawang pagbabanta ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile matapos nitong sabihin na babawasan ang prebelehiyo ng mga overseas filipino worker (OFW). 

Ito’y kasunod ng isasagawang ‘zero remittance week’ ng mga OFW bilang pag-suporta kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay AKO-OFW nominee Joseph Rivera, hindi katanggap-tanggap at kagaspangan ng kapangyarihan kung mangyaring ganoon ang gawin ng pamahalaan para sa mga sinasabing ‘bagong bayani’ ng bansa.

Binigyang diin ni Rivera na ang pagtigil ng remittances ay isang ligal at hindi marahas na pagpapahayag ng mga paniniwala sa pulitika ng mga OFW, tulad ng isang nationwide strike.

Aniya, hindi dapat gamitin ng gobyerno ang Kongreso bilang isang sandata para sa pampulitikang paghihiganti laban sa mga migrant wokrers at sa kanilang mga karapatan.

Aminado si Rivera na malaking bahagi ng paglago sa ekonomiya ng Pilipinas ay dahil sa pamamagitan ng kanilang mga remittances o pinapadala.

Noong 2022, ang mga padala ng mga OFW ay umabot sa $32.54 bilyon, na kumakatawan sa humigit-kumulang 9-10% ng Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas.

Ang pahayag ni Rivera ay tumalakay sa kahalagahan ng pagprotekta sa mga karapatan at kapakanan ng OFWs na may mahalagang papel sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *