CAVITEEDUCATIONNews

SENIORS NG CAVITE NATIONAL HIGH SCHOOL, WAGI SA NATIONAL ROBOTICS TILT

CAVITE CITY — Todo ang ningning ng talino at talento ng mga estudyante ng Cavite National High School – Senior High School (CNHS-SHS) matapos mag-uwi ng sangkatutak na parangal sa Robotics Challenge Unlimited 2026 na ginanap noong Pebrero 28, 2026 sa Montano Hall sa Cavite City.

Pinatunayan ng CNHS robotics team na sila ang isa sa pinakamalakas na koponan sa bansa pagdating sa robotics matapos dominahin ang iba’t ibang kategorya ng kompetisyon. NON-PROGRAMMABLE OPEN CATEGORY, NILAMON NG CNHS Sa naturang kategorya, walang nakapigil sa husay nina Arzeus C. Alaban at Andrei Jiggerson Samaniego na itinanghal na CHAMPION.

Hindi rin nagpahuli ang kanilang mga kaeskuwela: 1st Runner Up: Justine D. Fernandez & Prince Daren A. Tebelin 2nd Runner Up: James Clarence Z. Camacho & Kenneth Clarence Adriatico 6th Place: John Macklein D. Valdez & Jun Carlo Diacan 7th Place: Jaeden Rysh L. Topacio & Arryanne M. Sueco 8th Place: Bryzen Villanueva & Lyra D. Santiago Mistulang CNHS ang naghari sa entablado habang isa-isang tinatawag ang kanilang mga pangalan.

MBOT V2 CATEGORY, PASOK DIN! Sa MBot V2 Category, muling nagpakitang-gilas ang mga Caviteño: 8th Place: Chloe Mykhaella E. Flordeliz & Claude Ron R. Abriol 10th Place: Kelvin Caisser Javier & Lourd Jaden Javier LINE TRACING, MAY PARTISIPASYON AWARD Hindi rin nagpahuli sina Jamila Fay C. Espura at Lyra D. Santiago na tumanggap ng Participation Award sa Programmable Line Tracing Category.

Sa pagtatapos ng kompetisyon, buo ang determinasyon ng CNHS-SHS robotics team na mas paghusayin pa ang kanilang kakayahan para sa mga susunod na laban.

Sa kanilang panalo, hindi lamang paaralan ang kanilang pinarangalan kundi buong Cavite. Patunay na ang kabataang Caviteño ay kayang makipagsabayan sa larangan ng teknolohiya at inobasyon. (Sid Samaniego)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *