CAVITENews

VICE-MAYOR NG ROSARIO, TUMITINDIG PARA SA KABABAIHAN KASABAY NG PAGDIRIWANG NG WOMEN’S MONTH

ROSARIO, CAVITE — Sa pagsisimula ng Buwan ng Kababaihan ngayong Marso, muling ipinakita ni Vice Mayor Joanne Michelle “Bamm” Gonzales ang kanyang suporta at dedikasyon sa kababaihan ng Rosario, Cavite.

 Ang kanyang paninindigan ay nakatuon hindi lamang sa pagdiriwang, kundi sa pagpapalakas ng kababaihan sa lahat ng aspeto ng buhay — mula sa edukasyon, kabuhayan, hanggang sa partisipasyon sa pamahalaan at komunidad.

“Ang kababaihan ay pundasyon ng ating pamilya, pamayanan, at bayan. Hindi sapat na ipagdiwang lamang sila isang beses sa isang taon — dapat ay palaging naririnig ang kanilang boses at naisasabuhay ang kanilang mga karapatan,” ani Vice Mayor Gonzales.

Sa kanyang kapasidad bilang lokal na opisyal, pinangunahan ni Vice Mayor Gonzales ang mga inisyatiba at aktibidad na naglalayong palakasin ang kababaihan sa larangan ng edukasyon at kabuhayan, magbigay proteksyon at suporta laban sa karahasan at diskriminasyon at hikayatin ang aktibong partisipasyon ng kababaihan sa pamahalaan at community leadership.

Ang Buwan ng Kababaihan ay pagkakataon upang kilalanin at bigyang-diin ang kahalagahan ng kababaihan sa lipunan. Sa Rosario, Cavite, ang liderato ni Vice Mayor Gonzales ay simbolo ng pagtindig, malasakit, at pagkilos para sa kababaihan, na nagsisilbing inspirasyon sa buong komunidad. (Sid Samaniego)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *