Binuksan na kauna-unahang Kadiwa ng Pangulo sa buong Luzon
Isang makasaysayang araw ito para sa Lungsod ng Bacoor! Dahil sa pormal nang binuksan ang kauna-unahang Kadiwa ng Pangulo sa buong Luzon, na matatagpuan mismo sa Bacoor Public Market. Nag-aalok ito ng bigas sa halagang dalawampung piso lamang kada kilo!
Lubos po ang ating pasasalamat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kay Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr., at sa buong Department of Agriculture sa pagbibigay ng pagkakataong ito. Ang proyektong “Pasa sa Masaganang Bagong Pilipinas” ay patunay ng pagmamahal at malasakit ng ating Pangulo sa mga Pilipino. Saad pa ni Mayor Strike
Ang abot-kayang bigas na ito ay isang malaking tulong para sa mga kababayan, lalo na sa mga miyembro ng 4Ps, PWDs, senior citizens, at mga solo parents. Sa pamamagitan ng proyektong ito, mas mapapagaan ang kanilang buhay at masisiguro ang kanilang seguridad sa pagkain. Isa itong mahalagang hakbang tungo sa masaganang buhay para sa lahat.
As We Strike As One – Dahil sa Bacoor, At Home Ka Dito! Mabuhay po kayo! Mabuhay ang Bacoor! Mabuhay ang Pilipinas!