CAVITEEDUCATIONNews

CVSU, 100% PASADO SA AUGUST 2026 CRIMINOLOGISTS LICENSURE EXAM

INDANG, CAVITE — Muling pinatunayan ng Cavite State University (CvSU) ang husay ng kanilang mga nagsipagtapos matapos makapagtala ng 100% passing rate sa August 2026 Licensure Examination for Criminologists (LEC).


Batay sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC), nanguna ang CvSU bilang top-performing school sa kategoryang may 30 hanggang 50 examinees.


Lahat ng mga examinee ng CvSU na kumuha ng nasabing pagsusulit ay matagumpay na nakapasa, isang malaking tagumpay para sa unibersidad, mga bagong lisensyadong criminologist, kanilang mga pamilya at mga gurong gumabay sa kanilang pag-aaral.


Samantala, 57.57% lamang ang pambansang passing rate sa naturang pagsusulit.
Sa kabuuan, 16,952 sa 29,452 examinees ang nakapasa sa Licensure Examination for Criminologists na isinagawa ng Board of Criminology sa iba’t ibang testing centers sa buong bansa nitong Agosto 2026.

Dahil dito, umani ng pagbati ang mga bagong lisensyadong criminologist ng CvSU na ngayon ay maaari nang humarap sa mas malawak na mundo ng propesyon sa larangan ng criminology at law enforcement.
Ang 100% passing rate ay dagdag na karangalan para sa CvSU at patunay sa patuloy nitong pagsusumikap na makapaghatid ng de-kalidad na edukasyon at makapaghubog ng mga propesyunal na handang maglingkod sa bayan.


Mabuhay ang mga bagong Registered Criminologists!
Congratulations, CvSU!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *