Tagkawayan Quezon mayroon ng Dog Impounding Area
Pinasinayahan ngayong araw ika-3 ng Hulyo 2025 ang bagong tayo na Dog Impounding Area ng Lokal na Pamahalaan ng Tagkawayan na matatagpuan sa Brgy. Munting Parang. Inaasahang magbibigay ito ng solusyon sa suliranin ukol sa mga ligaw na aso sa Metro Poblacion, mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa komunidad, gayundin ang kaligtasan ng mga residente mula sa posibleng banta ng rabies, at iba pang sakit na dala ng mga hayop na hindi nababantayan. Pinangunahan ni Mayor Carlo Eleazar ang nasabing aktibidad kasama si Municipal Agriculturist Juanito Panganiban at iba pang kawani mula sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor na mamamahala sa operasyon nito.