How to Spot the Red Heart
Mahigit 700 kabataan ng CarSiGMA ang nakiisa sa isang makabuluhang talakayan kasama ang batikang mamamahayag Mr. Howie Severino upang pag-usapan ang pagmamahal sa sarili, bayan, at pamilya.
Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Carmona—Mayor Dahlia A. Loyola, Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., at Team Loyola, katuwang ang Community Affairs and Youth Development Office – Carmona at JCI Carmona, matagumpay nating naitaguyod ang programang ito para palakasin ang diwa ng malasakit, responsibilidad, at aktibong partisipasyon ng kabataan sa paghubog ng mas maunlad na hinaharap.
Kasama rin natin sina BM Chelsea Sarno—President, Sangguniang Kabataan Federation Cavite Province, BM Ivee Reyes, at BM Aidel Belamide sa patuloy nating pagsulong ng mga programa at inisyatibang nagbibigay-inspirasyon at oportunidad para sa kabataan ng Ika-5 Distrito ng Cavite!