Serbisyong Maliksi sa Kongreso
Bakit maraming Imuseño ang napupusuang maging kongresista nila si dating Imus City Mayor Maliksi na mahigit din palang dalawang dekada sa politika at may magandang naiwang akomplisment sa siyudad.
Dating bise-alkalde at dating municipal at city mayor si Maliksi na kilala rin sa initial niyang ELM o palayaw na Manny.
Nang magpaalam noong 2022, matapos ang ikatlong termino niya bilang city mayor, pinasalamatan ni ELM ang malaking tiwala at pagkakataon na ibinigay sa kanya ng mamamayang Imuseño.
Aniya: “Masaya po tayo na nabigyan ng pagkakataong makapagserbisyo. At maraming salamat po sa pagtitiwala sa inyong lingkod at pinagsikapan po natin na ibigay ang lahat ng higit pa nating makakaya upang maibigay at maipatupad ang mga programa at proyekto na hanggang ngayon po, nararamdaman ang kabutihan ng atin pong mga mamamayan.”
Ang mga ito ay nakapaloob ng kanyang 7-point agenda na sinimulan noong July 2007 na nagbagong-anyo-ng-buhay ng dating munisipalidad at ngayon, ay isa sa ipinaka-progresibong siyudad ng Cavite.
Libo-libo ang nakinabang sa inumpisahang paglikha ng mga oportunidad sa trabaho at hanapbuhay at ikabubuhay; pagpapasigla at pagmamahal sa kultura at kasaysayan ng Imus.
Edukasyon — libo-libong iskolar ng bayan, pagtatayo ng mga gusaling paaralan, tulong na pag-aaral sa out-of-school-youth, alternative learning system (ALS) sa mga may-edad na di-nakatapos ng pag-aaral ng elementarya at high school.
Kalusugan — pagkatayo ng Ospital ng Imus, mga Laboratoryo, Dialysis Center, at ang masigasig na tulong na nagligtas ng maraming buhay sa kasagsagan ng pandemyang Covid-19.
Paglago ng lokal na turismo, pagpapahalaga sa kalikasan, pagpapatibay ng kooperasyon at ugnayan sa kapwa lokal na pamahalaan, mga serbisyo para sa mga senior citizen, PWDs. solo parents at sa maliliit na sektor, at ang pag-aalay sa iba-ibang non-government organizations (NGOs), kooperatiba at iba pang for the betterment of Imuseños.
Naibantog ni ELM sa bansa ang pamanang kabayanihan ng dalawang matagumpay na kilusang himagsikan ng mga Katipunerong Imuseno: ang Labanan sa Alapan (Mayo 28, 1898) na doon, unang itinaas at iwinagayway ang pambansang watawat, at dahil dito, idineklara ang Imus bilang Flag Capital of the Philippines.
Simula noon at hanggang ngayon, tuwing Mayo 28, inaalaala ang kadakilaan ng Labanan sa Alapan na simbolo ng katapangan ng Pilipino laban sa mapanlupig na dayuhan lakas ng Espanya.
Sa panahon ni Maliksi, nagkuwintas ng maraming parangal, pagkilala at papuri mula sa iba-ibang ahensiya, tulad ng Seal of Good Local Governance (SGLG) Award Hall of Fame ng Department of the Interior and Local Government (DILG), the 2017 Seal of Child-Friendly Local Governance ng Council for the Welfare of Children, at ang 2017 Philippine Quality Challenge Award by the Department of Trade and Industry (DTI).
Noong 2018, kilala si Maliksi na isa sa awardee na Ulirang Ama sa larangan ng paglilingkod-bayan ng Ulirang Ama Foundation.
2016, 2nd place ang Imus sa Gawad Kalasag sa Calabarzon ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC), at sa kilos kontra ilegal na droga, tumanggap ang siyudad ng National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Silver Award noong Disyembre 29, 2018.
Mula 2016 hanggang 2021, tumanggap ang siyudad ng karangalang Good Financial Housekeeping at kinilalang City of the Future ang Imus bilang Most Competitive Component City in the Province of Cavite in 2016, at kasunod pa ang maraming karangalan, pagpuri sa lungsod sa ilalim ng Epektibong Lingkod Mamamayan programa ni ELM.
Lahat ng ito, sabi ni Maliksi, ay patotoo na natupad niya ang mga pangakong ;pagbabago at kaunlaran sa mamamayang Imuseño.
“Tayo po ang isa sa most awarded cities sa buong Calabarzon, lalo na sa aspeto ng good public governance,” sabi ng kandidatong kongresista ng Imus City.
Hindi tsamba ang mga karangalan at papuring ito, aniya,” kasi, may totoong programa po tayo na nakikita, nararamdaman at napakikinabangan. ng ating mamamayan.”
Kaya nangyari ang lahat ng ito: “Una, ito ay bunga ng pagtitiwala ng ating mamamayan, at sa pakikiisa ng ating city government officials, ating mga barangay officials na bunga ng kaniulang tulong at pakikipagkaisa, naitanim natin sa puso at isip ang totoong kultura ng serbisyong totoo at tulungang malasakit sa kapwa.”
Ngayon darating na eleksiyon sa Mayo 12, ang serbisyong Maliksi ay itutuloy niya sa Kongreso.
“Nagawa ko ang mga iyon noon, kaya po natin gawin uli — sa pamamagitan ng mga panukala, mga batas at proyektong mag-aangat sa buhay at kabuhayan ng ating mamamayan,” sabi ni Maliksi.
Kakayahan ni Maliksi, hindi na ito matatawaran; dedikasyon sa trabaho — buhay ang mga kongkretong programa na naitayo niya noong siya ay alkalde,
Kung ihahalal na kongresista ng Imus City, muli niyang ibibigay nang higit sa makakaya ang kilalang Serbiyong Maliksi.
“Natupad po natin ang epektibong lingkod mamamayan, nagawa natin ito sa tulong po n’yo mga kapwa ko mamamayang Imuseno, sa Kongreso, muli po nating gagawin, ating uulitin para sa kaunlaran ng ating minamahal na Lungsod ng Imus,” sabi ni Maliksi.
“Kami po ni Mayor Kap RR (Lacson) at ang Team Imus ay buo ang aming pag-asa na sa ikbibigay nyong pagtitiwala, atin pong maibabalik ang totoong serbisyong may puso at at malasakit sa buong mamamayang Imuseno,” pagtatapos ni ELM. (CTJ REportorial Team)