HealthNATIONALNews

Group Enrollment Program, Isinusulong ng PhilHealth PRO IV-A News Release No. 2025-06

Isinagawa ng PhilHealth Regional Office IVA ang serye ng oryentasyon ukol sa group enrollment na dinaluhan ng mga HR practitioners at kinatawan ng mga LGUs, National Government Agencies at iba pang pribadong institusyon. 

Ang Group Enrollment Program o GEP ng PhilHealth ay isang alternatibong paraan para sa mga organisadong grupo, National Government Agencies na mapadali ang pagbibigay ng PhilHealth coverage sa mga Job Order Contract Workers, seasonal employees o ang mga walang tinatawag na employer-employee relationship sa ilalim ng batas.

Batay sa PhilHealth Circular 2017-0008, mandatory ang coverage ng mga indibidwal na directly hired Job Orders (JOs) at Project Based Contractors (PBCs) sa gobyerno bilang miyembro ng PhilHealth sa ilalim ng Informal Economy.  Sa ilalim din nito, binibigyan ng kapangyarihan ang mga employers na magbawas at mag-remit ng premium contributions nga mga naturang empleyado bilang Individually Paying Members o Self Earning Individuals sa ilalim ng Group Enrollment Scheme.

Ang mga Local Government Agencies, National Government Agencies at pribadong institusyon na nagpakita ng intensyon na sumali sa implementasyon ng Group Enrollment Program ay kinakailangan na magsumite ng mga sumusunod na dokumento:

1. Pirmadong Memorandum of Agreement or Letter of Commitment at

2. Non-Disclosure Agreement

Matapos, makapagpa-rehistro, magi-isyu ng PhilHealth Organized Group Number (POGN) na magsisilbing pagkakakilanlan ng kanilang grupo. Ang POGN din ang gagamitin sa pagpaparehistro o renewal ng mga taong nakalista sa programa at pagbabayad ng kanilang premium contributions.

Lahat ng Pilipinong indibidwal na hindi kasapi ng National Health Insurance Program ay maaaring mai- enroll sa Group Enrollment Program na hindi limitado sa mga sumusunod:

1. Contract of Service (COS), Job order and Project-based personnel

2. Miyembro ng mga microfinance institutions at iba pang organisadong grupo

3. Self-earning individuals

4. Professional practitioners

5. LGU constituents na nabibilang sa may mababang sahod, barangay health workers, nutrition scholars at iba pang mga nagtatrabaho ng boluntaryo sa barangay

6. Estudyante na edad na 21 at pataas

Sa pagpaparehistro, ang mga group partners ay kinakailangang magsumite sa PhilHealth ng listahan ng kanilang nais isali sa programa kalakip ang napunan na PhilHealth Member Registration Form (PMRF) at mga kaukulang dokumento.

Sa mga kaso na may mga indibidwal na may intensyon na mag withdraw ng kanilang pagiging miyembro, ang mga group partners ay dapat agarang ipahayag ang kanilang pag withdraw at magpasa ng Group Enrollment Withdrawal Form.

Ang premium contribution sa ilalim ng Group Enrollment Program ay naaayon sa PhilHealth Circular 2020-0005 na base sa idineklarang kita ng miyembro sa pamamagitan ng group partner.

Ang mga group partners ay regular na ebi-bill sa pamamagitan ng pagbibigay ng Statement of Premium Account (SPA) na maaaring monthly, quarterly, semi-annually at annually. Ito ay maaaring bayaran sa mga Local Health Insurance Offices o Accredited Collecting Agents na awtomatikong papasok sa indibidwal account ng mga miyembro.

Ang mga indibidwal na gagamit ng benepisyo ng PhilHealth ay bibigyan ng Certificate of Premium Payment na maaaring maging batayan kung updated ang kanyang kontribusyon sa PhilHealth.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 42 group partners at 1,210 miyembro sa ilalim ng Group Enrollment Program. 

Sa mga grupo or organisasyon na nais mapabilang sa GEP, maaaring makipag-ugnayan sa alingmang tanggapan ng PhilHealth sa inyong lugar. (JDB)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *