CAVITELOCALNewsPolitics

Kap RR Lacson: Titindig laban sa pang-aabuso

Karapatan ng mamamayang Imuseño na magamit ang mga publikong lugar para sa kanilang miting at iba pang aktibidad, lalo na at may garantiya ng Saligang Batas ang kalayaan sa mapayapang pag-iipon-ipon at pagpapahayag ng damdamin — pabor o pagbatikos sa inaakalang maling gawain ng mga taong gobyerno.

Kaya sa isang paskel sa Facebook, binanggit  ni  Kap Robert Rey ‘RR’ Lacson, na ang public places, tulad ng plaza, sports center, multi-purpose hall, plasa, covered court at iba pang katulad ay: ” Ginawa mula sa buwis ng mga Imuseno, pero hindi libreng magamit ng publiko?”

Kumalat kasi ang isyu na pinagbabawalan ang paggamit sa mga publikong lugar ng mga kandidato ng Team Imus na si Kap RR Lacson, kandidatong alkalde ng Imus City at ang katiket nitong si dating Mayor Emmanuel L. Maliksi.

Hindi dapat na hadlangan ang mga karapatan ng mamamayan, lalo na ang karapatang magsalita, magpahayag at magpulong, sabi ni Lacson.

Walang sinoman ang may karapatang humadlang sa karapatan ng mga tao na, aniya.

Wika ng kandidatong alkalde ng Team Imus, mali, “Hindi tama na mga piling tao lamang ang pwedeng gumamit ng mga publikong covered court.”

Pag-aari ng taumbayan ang mga establisimyentong ginastusan ng perang buwis ng mamamayan.

Lalo na, sabi ni Kap RR, na hindi negosyo at lalong hindi personal na pag-aari ang mga publikong lugar, “at lalong hindi ito dapat pinagkakakitaan.”

Pera ang ginamit sa pagpapatayo ng mga publikong pasilidad, at ang mga ito ay “para sa mamamayan.”

“Bakit kailangang magbayad o humingi ng permiso para sa isang bagay na dapat ay bukas at malaya para sa lahat?” sabi ni Kap RR sa kanyang Facebook page.

Aniya pa,  walang sinuman, walang partido at walang kulay ang  may karapatang ipagkait sa tao ang mismong bagay na kanilang pinondohan—nagmula sa bulsa ng bawat Imuseño.

Ito sa paniniwala ng kandidatong alkalde ng Team Imus ay isang uri ng pang-aabuso sa lungsod.

“Sama-sama tayong tumindig laban sa pang-aabusong ito!” panawagan ni Lacson sa mamamayang Imuseno. (ET II/CTJ Team)

Ang mga publikong lugar na ginastusan ng pera ng mamamayan ay dapat lamang magamit at mapakinabangan ng mamamayan!

Ito ang sinabi ni Kap Rey Robert Lacson, mas kilala sa tawag na Kap RR sa kanyang post sa sariling Facebook account na kumalat sa social media.

Ang isyu ay tungkol sa usaping pagbabawal sa  ilang kandidato sa darating na eleksiyong lokal sa Imus na gamiin  miting, caucus o iba pang aktibidad publiko anmg mga covered court at  katulad na pasilidad sa lungsod.

Kandidatong alkalde ng Imus si Kap RR at katiket ni dating Mayor Emmanuel ‘Manny’ Maliksi na kandidatong kongresista ng Cavite 3rd District.

Itinatanong ni Lacson ng Team Imus: “Ginawa mula sa buwis ng mga Imuseno, pero hindi libreng magamit ng publiko?”

Idiniin ng negosyanteng si Kap RR na hindi dapat na hadlangan ang mga karapatan ng mamamayan, lalo na ang karapatang magsalita, magpahayag at magpulong.

Iginiit niya walang sinomang may karapatang humadlang sa karapatan ng Imuseno na gamitin ang mga lugar publiko para magpahayag ng naisin at damdamin.

Sabi ni Kap RR: “Bawat sentimo mula sa bulsa ng Imuseño ay may halaga. Walang sinuman ang may karapatang humadlang.”

Hindi tinukoy ni Lacson kung sino ang nagbabawal na sinabi niya na mali, at hindi tama na mga piling tao lamang ang pwedeng gumamit ng mga publikong covered court.

Matalim ang batikos ni Kap RR, aniya: “Hindi ito negosyo, hindi ito personal na pag-aari, at lalong hindi ito dapat pinagkakakitaan.” Kap Lacson.

Tanong pa ni Lacson: “Bakit kailangang magbayad o humingi ng permiso para sa isang bagay na dapat ay bukas at malaya para sa lahat? “

Aniya pa, walang sinuman, walang partido at walang kulay ang  may karapatang ipagkait sa tao ang mismong bagay na kanilang pinondohan—nagmula sa bulsa ng bawat Imuseño.

Sa kumakalat sa social media, tinuligsa ng mga netizen na ang pagbabawal na gamitin ang mga publikong lugar at gusali o pâsilidad ay isang uri ng “pang-aabuso.”

Mali ito, sabi ni Lacson, kaya nananawagan siya sa kapwa Imuseno na itama ang mali.

“Sama-sama tayong tumindig laban sa pang-aabusong ito!” sabi ni Kap RR ng Team Imus. /ERMT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *